Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
Posted by ♥ mnelicious ♥ on Sep 13, '07 1:36 PM for everyone


 

Ayan ang napapala ng hindi nakikinig sa utos ni Big Brother...

Kung kilala niyo ang mga kaibigan ko at nagbabasa kayo ng mga blog nila, malamang eh, nadaanan niyo minsan sa inyong pagbabasa ang "The Great Flood Series" sa mga blog nina Dustin, Tannix, Pauee o Ryan. Pero just in case it doesn't really ring a bell, ganito kasi yun...

A few weeks after namin lumipat ng apartment eh, nakaexperience kami ng mahigit tatlong (o apat na ba? i lost count already) "pagbaha" dito sa bahay. Although ang pagbaha naman eh common na sa maraming parte ng Maynila (think Malabon, Pateros), kakaiba ang pagbaha dito sa amin dahil kahit masakit ang sinag ng araw eh, nakakaexperience kami ng pagbaha dahil sa pagiging... err... iresponsable ng ilang tao (*ehem* mnel, ikaw ba yun?) o dahil sa isang di inaasahang sakuna (think pagbigay ng pipelines sa likod bahay at 12 MN). Pero over the past few months, hindi na kami binabaha (di na kasi ganun kadalas pumunta ang freakshow boys hehehe). Naging mas responsable na ata yung ilang taong dati'y naging sanhi ng pagbaha (*ehem* ulit) at naging mas reliable na ang mga pipelines namin sa likod-bahay. Pero, kamakailan lang ay nagkaroon ng Part 4 ang "The Great Flood Series" at dahil yan sa pagsuway ng utos ni "Big Brother".

Kung mapapadpad kayo sa apartment namin, pansinin niyo yung mga nakadikit na reminders kung saan-saan. Sa kwarto namin ni Mela ay nakapaskil ang isang reminder tungkol sa pagsara ng bintana kapag aalis ng bahay. At dahil innately pasaway kami ni Mela, never ata namin sinunod ang pagsara ng bintana pag papasok kami ng paaralan. Kaya naman nang minsang umulan ng pagkalakas-lakas isang hapon, umuwi ako at nadatnan ang "Great Flood" sa may bintana ng aming kwarto. At dahil ako lang ang umuwi, at wala pa si Mela...

 


 

...nag-ala-Cindenelly ako at mag-isang nilinis ang basang dapat eh wala doon kung marunong lang kaming sumunod. Tsk tsk tsk...

At talagang nagpose pa si Cindenelly! =P

So, ang moral of the story? Sumunod sa rules and regulations ni Big Brother! Kung nasa PBB house siguro kami, malamang na-forced eviction na ako. Haha!

*Big Brother = Kuya Jo aka handyman ng The Mansion 2 =P


akositannix wrote on Sep 13, '07
Ahahahaha! Nakagwantes pa! Anak ng tinapay, para namang napakarumi ng hawakan ng mop mo!
bangskydoodle wrote on Sep 15, '07
para sa pagpiga ata yun ng mop after niya maglinis, hehe... :p
mnel wrote on Sep 15, '07
oo tama! pangpiga ng mop head yun. haha. di ko kaya pigain ng bare hands eh. hehehe.
khelbanzon wrote on Sep 15, '07
dapat sa bahay nyo push button lang or switch para magclose ng windows.. hehehe.. pwede nyo consult ang inimaminya team.. may discount kayo :D HAHAHA!
mnel wrote on Sep 15, '07
anong discount-discount? libre di ba? =P
Add a Comment